The Story Of My Life
Miyerkules, Oktubre 7, 2015
Hintay ka lang :)
Bakit mo namimiss ang isang tao? Dahil ba namimiss ka rin niya? Dahil ba bored ka? O dahil ba mahal mo siya at ayaw mo siyang mawala? Alin ka dito? Ano ang nararamdaman mo pag namimiss mo ang isang tao? Mahirap ang ganitong pakiramdam. Yung kailangan mo siya pero wala siya. Yung nalulungkot ka pag hindi mo siya nakikita. Simple lang diba? Dahil mahal mo siya. Gusto mo bawat segundo, bawat minuto, at bawat oras ay kausap at katabi mo siya. Na sa kanya lang nakaikot ang mundo mo. Pero natanong mo ba ito sa sarili mo? Namimiss ka rin kaya niya? Nalulungkot din kaya siya pag hindi ka nakikita? Di natin alam. Di natin alam na tayo lang pala ang nakakaramdam nito. Na habang tayo ay luhaan sila naman ay nagtatawanan. Unfair ba kamo ang tawag nito? OO! Unfair! Mahirap talaga pag ikaw na ang tinamaan. Walang preno yan eh! Masasabi mo nalang sa sarili mo na, "Mabuti pa ang mga Cheer Dancers kapag nahulog may sumasalo." Boom! Tagos diba? Tagos sa dibdib ang sakit. Kaya nga tayo nagiging bitter eh at iba pa sa atin ay nagsasabi ng "WALANG FOREVER!". Isa lang naman ang dapat nating gawin para maiwasan natin ang mga ganitong pangyayari. Huwag tayong masyadong umasa. Huwag tayong masyadong magpadala. Kumbaga, marunong tayong magbalanse sa mga bagay-bagay. Kung alam nating hindi para sa atin, huwag nalang pilitin kasi sa huli, tayo rin lang ang masasaktan at maiiwang luhaan. Ang sakit pa naman. Dapat nating isipin na kung hindi man sila para sa atin, may mas better pa na darating. Pero hindi ganun kadali diba? Hindi ganun kadali mag move-on lalo na kung sobra mong pinapahalagahan at minahal ang isang tao na hindi ka naman naging importante sa kanya. OO! Masakit talaga isipin kung bakit di ka nya pwedeng mahalin. Pero balang araw, mawawala din yang sakit na nararamdaman mo. Parte talaga yan ng pagkatao. Kailangan mong masaktan para meron kang matutunan. Kailangan mong lumuha para makita ang tunay na kaligayahan. Huwag ka lang magmadali dahil balang araw, mahahanap mo rin yang Mr.Right mo na siyang tanging magpapaligaya sayo.Hintay ka lang! Darating rin yan sa tamang panahon. Smile ka lang :)
Miyerkules, Setyembre 30, 2015
It's time to know the REAL me!
Hi! This is me, Roxanne and it's obvious. I am just a simple girl living in a simple world together with my family and friends whom I really love so much. They're like ENERVON, they made me complete. They're like COKE, they are my happiness. I do have dreams in life. A lot, that's why "DREAMS" haha. But, I don't have to mention it here. Sorry not Sorry :D I love to listen to music and I love to sing as well. I am not that gifted in terms of voice but if you are just going to listen, you will realize that you are already inlove with me. Kidding aside. HAHHA. I also love watching movies but sorry, those are just local movies. I'm patronizing my country, that's why. Sorry to mention but I so love KATHNIEL. My favorite loveteam in the Philippine Television. If you don't know them, just don't dare asking because it may be a long story to tell. HAHA! I also love to travel, especially when I am with my LOVIE DOVIE who is my life and my forever. There is FOREVER, I'm telling you, so don't be a hopeless romantic person. haha. I am a friendly person, I promise! Try to know me and you can really say, "This girl is crazy!", not LITERAL okay? This is just a brief background about me but this is just for now. You will later know me as you kept on updating my Blog. Enjoy! Muaahhhh!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)